Photo courtesy of OS Hontiveros
Nasasaktan at nakikiramay si Senator Risa Hontiveros sa pagkasawi ng dalawang student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa pahayag ng senadora sinabi niyang bilang isang biyuda ay ramdam niya ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay kaya lubos siyang nakikiramay sa naiwang pamilya ng dalawang estudyante.
Kasabay naman nito ay nanawagan si Senador Hontiveros na patuloy na respetuhin ang iniwang alaala ng dalawang atleta at bigyan din sila ng privacy habang nagluluksa. Umaasa din ang senadora ng patas na imbestogasyon upang lumabas na ang katotohanan sa pangyayari.