Makikibahagi rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Tandag sa pagdiriwang ng ika-128 na Anibersaryo ng Kasarinlan at Pagkabansa ng Pilipinas o Araw ng Kalayaan ngayong araw, Hunyo 12, 2026.
Batay sa impormasyon mula sa LGU, isasagawa ang mga aktibidad nito sa Tandag City Rizal Park.
Sisimulan ito sa pamamagitan ng isang Misa ng Pasasalamat (Thanksgiving Mass) sa Covered Court ng Saint Theresa College of Tandag.
Samantala, mamayang alas-7 ng umaga, sisimulan ang pagsasagawa ng nakasanayan nang Flag Raising sa Old Tandag Town Hall Grounds.
Pangungunahan ito ng mga tauhan ng Tandag Component City Police Station, NEMSU Singing Ambassadors, at ng Red Mountain Masonic Lodge No. 241.
Magkakaroon din ng mga Cultural Presentations ang mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School, North Eastern Mindanao State University (NEMSU) – Tandag Campus, at ng Tandag National Science High School.