Iginiit ni Maritime Affairs Expert at UP Professor Jay Batongbacal na hindi dapat ipaubaya sa ibang bansa ang pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea.
Ayon sa kanya, nasa Pangulo at sa pinakamataas na liderato ng bansa ang pagpapasya sa mga susunod na hakbang kaugnay ng isyu.
Sinabi rin ni Batongbacal na isa lamang ang usapin ng soberanya sa mga hamong kinahaharap ng bansa, kabilang ang mga usaping pang-ekonomiya at pang-enerhiya.
Gayunman, tiniyak niyang handa ang Armed Forces of the Philippines na gampanan ang tungkulin nitong protektahan ang bansa kung kinakailangan.
Binigyang-diin din niya na may mahalagang papel ang Pilipinas sa pandaigdigang komunidad at dapat magtiwala ang mga Pilipino sa kakayahan ng bansa na ipagtanggol ang pambansang interes.