Naniniwala si Senador Ping Lacson na hindi kayang pahinain ng sinumang nasa likod ng posibleng tangkang destabilisasyon na kinasasangkutan ng 18 maleta boys ang propesyonalismo ng sandatahang lakas at Philippine national police (PNP).
Giit ni Lacson na malinaw nang inilayo ng mga uniformed service ang kanilang sarili mula sa 18 ex bodyguard ni dating congressman Zaldy Co at walang simpatya sa mga ito.
Kaya naman sinabi ng senador na hindi na dapat gamitin ang labinwalo bilang rallying point para mapagalaw ang uniformed services.
Binanggit rin ng mambabatas na maaaring naagapan na ang anumang posibleng banta na may kaugnayan sa 18 maleta boys matapos magpatupad si acting Senate President Sherwin Gatchalian ng mas mahigpit na seguridad sa Senado.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Lacson na patuloy pa ring bina-validate ng senado ang intelligence information na natanggap kaugnay ng naturang mga banta.
Sa ngayon ay balik na ang physical work ng nga empleyado ng senado pero patuloy pa ring pinapatupad ang heightened security o ang mas mahigpit na seguridad sa loob at labas ng senado. | ulat ni Nimfa Asuncion