Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay US President Donald Trump sa kanyang ika-80 kaarawan.
Sa Facebook post ng Pangulo, sinabi nitong sa ngalan ng sambayanang Pilipino ay hinihiling niya ang mabuting kalusugan sa lider ng Amerika habang hangad niya din ang kaligayahan, at patuloy na tagumpay sa darating na taon.
Inihayag din ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng pamumuno ni Trump ay patuloy na hinuhubog nito ang Estados Unidos tungo sa isang mahalagang yugto ng kasaysayan nito.
Umaasa aniya ang Pangulo na magiging masaya si Trump sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
Dagdag ng Chief Executive na sana’y patuloy pang tumibay at lumalim ang matagal nang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa mga darating na taon.