Kinumpirma ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif na isang peace deal sa pagitan ng U.S. at Iran ang nakatakdang pirmahan sa biyernes sa Switzerland ayon sa report ng Al Jazeera.
Sa isang press briefing sa White House, sinabi ni U.S. President Donald Trump na ang kasunduan sa Iran ay kinabibilangan ng pagbukas ng Strait of Hormuz ng walang ipapataw na toll ang Tehran.
Samantala, kinumpirma din ni Iran Deputy Foreign Minister Kazem Gharibabadi nitong Linggo ang nasabing kasunduan sa Amerika kung saan kagyat na titigil ang hostilities sa pagitan ng U.S. at Iran.
Sa panig ng Estados Unidos tatanggalin na nito ang naval blockade na pinataw nito sa Strait of Hormuz.
Matatandaang Pebrero 28 ng maglunsad ng air strikes ang U.S. at Israel laban sa Iran sa layuning durugin ang ballistic missile capability ng Iran at mahinto ang pagpapalakas ng nuclear weapon capability ng bansa.