Ginawaran ng Cebu Chamber of Commerce and Industry ng Certificate of Recognition si Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno bilang pagkilala sa kanyang pamumuno, paglilingkod publiko, at ambag sa pagpapalakas ng Customs administration, trade facilitation, border protection, at pambansang kaunlaran.
Kinilala rin ang pagsulong ni Nepomuceno sa Integrity, Accountability, and Modernization Agenda ng Bureau of Customs na naglalayong higit pang paghusayin ang operasyon ng ahensya at suportahan ang paglago ng ekonomiya.
Nakibahagi rin ang Port of Cebu sa pagkilala sa BOC chief dahil sa kanyang pagsusulong ng moderno at mas episyenteng serbisyo sa adwana.