Patuloy ang isinasagawang pagsusuri ng Quick Response Team ng DOST-PHIVOLCS sa mga nasirang estruktura upang matukoy ang lawak ng pinsalang dulot ng magnitude 7.8 na lindol sa karagatan ng Sarangani.
Kabilang sa mga matinding napinsala ang mga bahay at establisimyentong pangkalakalan sa mga bayan ng Glan, Malapatan, at Alabel sa Sarangani.
Naitala rin ang mga bitak sa ilang paaralan, simbahan, at mga barangay hall sa mga apektadong lugar.
Pinaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang publiko na mahigpit na sundin ang National Building Code upang matiyak ang katatagan ng mga gusali at tahanan.
Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng pagsunod sa “duck, cover, and hold” tuwing may lindol at mga posibleng aftershock.
Maaari ring gamitin ng publiko ang howsafeismyhouse.phivolcs.dost.gov.ph upang masuri ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan. Samantala, available din ang bit.ly para sa karagdagang impormasyon hinggil sa lindol at mga hakbang sa kahandaan.