Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga paaralan at iba pang employer na kumukuha ng mga dayuhan na tiyaking may tamang permit sa pagtatrabaho ang mga ito bago payagang magtrabaho sa bansa.
Ito ang pahayag ni Labor Secretary Francis Tolentino kasunod ng isinasagawang imbestigasyon kaugnay kay Ateneo de Manila University Men’s Basketball Head Coach Tab Baldwin.
Ayon kay Secretary francis Tolentino na ang mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas ay kinakailangang magkaroon ng balidong Alien Employment Permit o AEP, bukod pa sa Alien Certificate of Registration o ACR.
Ang ACR ay nagbibigay lamang ng pahintulot upang manirahan sa Pilipinas, habang ang AEP naman ang kinakailangang dokumento upang legal na makapagtrabaho ang isang dayuhan sa bansa.
Nagbabala rin ang kalihim na maaaring humarap sa mga legal na pananagutan ang parehong dayuhang manggagawa at ang employer kung mabibigong makakuha ng naturang permit. Kabilang na dito ang posibleng deportasyon at bago maisagawa ang deportasyon, maaaring magsilbi muna ng pagkakakulong na mula tatlong buwan hanggang tatlong taon ang lumabag.