Target na kasuhan ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang maleta boys matapos itong idawit sa iskandalo ng flood control.
Ayon kay Garcia, lahat ng alegasyon ay kasinungalingan at kinwestiyon ang hindi pagtutugma ng mga pahayag.
Noong una aniya ay apat na maleta ang na-ideliver sa kaniya sa harap ng isang hotel pero kahapon sinabi ng maleta boys na maliit na bag ang ibinigay sa kanya.
Inaalam na ni Garcia kung sino ang nasa likod ng alegasyon para makapagsampa ng kasong oral defamation at perjury, sakaling may naisumite nang mga affidavit.
Una nang itinanggi ni Garcia na tumanggap siya ng maleta na naglalaman ng pera at ipinagtataka kung bakit siya idinadawit gayong wala siyang kinalaman sa isyu ng flood control scandal.