Nanindigan ang Office of the Ombudsman na malaki ang maitutulong ng kooperasyon ng Pilipinas sa iba pang Ombudsman Offices sa Southeast Asia kasunod ng isinagawang Southeast Asian Ombudsman Forum.
Ayon kay Deputy Ombudsman Jose Balmeo Jr. malaki ang maiaambag ng iba pang Ombudsman Offices sa ASEAN upang mabigyan ng kasagutan ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control scandal ng bansa.
Isa kasi sa mga tulong na maaaring ibigay ng iba pang Ombudsman Offices sa mga kasaping bansa ng ASEAN ay ang pag-freeze ng assets ng mga indibidwal na kaugnay sa flood control scandal sakali mang sakop ito ng isang bansang kasapi ng ASEAN.
Makadaragdag din sa capacity-building ng Office of the Ombudsman ng Pilipinas ang best practices ng iba pang Ombudsman offices sa rehiyon.