Kasunod ng mapaminsalang Magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani, nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na gamitin ang Operation L!STO Manual on Disaster Preparedness for Earthquakes para mapalakas ang paghahanda, at pagtugon sa banta ng malalakas na lindol.
Ayon sa DILG, nakapaloob sa naturang manual ang science-based na gabay sa mga LGU kung paano tutugon bago at pagkatapos ng malakas na pagyanig.
Nakasaad din dito ang mga hakbang para sa local chief executives, Local Disaster Risk Reduction and Management Offices, at mga barangay kabilang ang pagsasagawa ng risk assessment, paggawa ng hazard maps, contingency plans, evacuation protocols, public warning systems, at regular na earthquake drills.
Giit ng DILG, mahalaga ang papel ng mga LGU bilang frontliner ng komunidad sa panahon ng sakuna kaya makatutulong ang Operation L!STO Manual para maging mas mabilis, organisado, at epektibo ang pagtugon ng mga LGU.
“At the community level, LGUs serve as the frontline of defense against earthquakes. This Manual empowers them to prevent, prepare for, respond to, and recover from earthquake-related disasters.”