Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 kasunod ng ipinatutupad ngayong provisional service mula North Avenue Station patungong Shaw Boulevard Station at pabalik.
Ayon sa DOTr-MRT-3, ipinatupad ang limitadong operasyon simula alas-5:50 ng umaga dahil sa technical issue sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Stations.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero habang inaayos ang aberya.
Patuloy naman ang crowd management sa mga istasyon para mapanatili ang maayos na pila ng mga commuter.