Umabot na sa mahigit ₱36.6-milyon ang naipamahaging financial aid ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, at mga naospital dahil sa sakuna.
Patuloy rin ang pamamahagi ng pagkain kung saan umabot na sa 285,000 Family Food Packs, 7,428 Ready-to-Eat Food boxes, at 7,328 Non-Food Items ang naihatid sa mga apektadong pamilya.

Sa kabuuan naman, pumalo na sa ₱229-million ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance ng DSWD para sa mga biktima ng lindol.
Para naman sa operasyon sa mga evacuation center, umabot na sa 168 benepisyaryo ang nakinabang sa mga child-friendly space, habang 74 biktima ang nabigyan na rin ng psychological first aid.
Nakataas pa rin ang Red Alert Status sa DSWD Disaster Response Management Bureau para matiyak ang tuloy-tuloy na koordinasyon at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
📸 DSWD

