Naglabas na ang Department of Justice (DOJ) ng immigrarion lookout bulletin order (ILBO) laban sa limang (5) indibiwal na iniimbestigahan kasunod ng pagkamatay ng dalawang (2) basketbolista ng Ateneo de Manila University
Ayon kay Justice Secretary Fredderick vida, kabilang sa mga inisyuhan ng ILBO ay sina Tab Baldwin, dating head coach ng Ateneo Men’s Basketball Team.
At Christopher Quimpo, dating team manager ng Ateneo, at mga assistant coach na sina Reynaldo Jacinto, Tim Castaño at Sandro Soriano.
Sinabi ni Vida na ang ILBO ay isang monitoring mechanism upang i-monitor at i-alerto ang mga awtoridad sa pagbiyahe abroad ng mga subject na indibidwal habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanila.
Dagdag pa ni Vida, nagpapatuloy pa rin ang imbestigayson nila kaugnay sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.