Patuloy na nakikipag-ugnayan ang liderato ng House of Representatives sa mga mambabatas mula sa mga distrito naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao upang matukoy ang agarang tulong na kailangan ng mga residente.
Sa ambush interview kay Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, nananatili ang kanilang ugnayan sa mga lokal na opisyal kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa bahagi ng Sarangani.
Ibinahagi rin niya na maaaring magbigay ng tulong ang Kamara depende sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad, kabilang ang medical assistance, relief goods, at iba pang suporta.
Dagdag pa ng House leader, personal pang bumisita si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa General Santos City at Sarangani upang alamin ang sitwasyon at makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal. | via Melany Reyes