Ibinida ng Office of the Ombudsman ang mga naging aksiyon nito at mga napagtagumpayan sa ginanap na Southeast Asian Ombudsman Forum o SEAOF.
Kabilang nga rito ang nasa 124 complaints noong 2025 na sumailalim na sa fact-finding investigation kung saan 36 rito ay tumuloy na sa preliminary investigation at administrative adjudication.
Pagsapit naman ng 2026 ay lumobo sa 209 na reklamo ang natanggap ng Office of the Ombudsman kung saan ilan sa mga ito ay umabante na sa formal proceedings habang apat na kaso ang naisumite sa Korte.
Karamihan nga sa mga kasong ito ay may kinalaman sa flood control anomaly na tinututukan na ngayon ng pamahalaan.