Tama lamang na si Vice President Sara Duterte ang magsalita at magtanggol sa kaniyang sarili sa harap ng impeachment court.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, dahil si VP Sara naman ang inuusig, mainam na siya rin ang makapagpaliwanag sa mga alegasyong ibinabato sa kaniya, upang malinis niya ang kaniyang pangalan.
Pagkakataon din aniya ito, para sa Ikalawang Pangulo na iparinig ang kaniyang mga tamang tugon at paliwanag, kaugnay sa mga ibinabatong reklamo sa kaniya.
Ang pahayag na ito ni Castro, sa harap ng antisipasyon kung kukunin ba si VP Sara ng kaniyang defense team, bilang witness sa pagdinig.
“Nararapat lamang po dahil kung siya po ang siyang inuusig sa mga ganitong klaseng impeachment trial, nararapat lang na siya po ang magsalita at magpaliwanag at siya mismo ang makapagbibigay ng kaniyang tamang tugon para maipaliwanag niya at malinis niya ang kaniyang pangalan,” pahayag ni Castro.