UN Human Rights Council Screengrab
Muling nanawagan ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa bansang Israel na itigil na ang mga ginagawang pag-atake sa Palestine bunsod ng patong-patong nang mga paglabag sa karapatang pantao bunsod ng digmaan.
Ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Volker Turk tila naubusan na sila ng red flags na maibibigay dahil imbes na numipis ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao ay lalo pa itong dumarami.
Karamihan umano sa mga biktima ay mga sibilyan, bagay na lalong ikinabahala ng UNHRC.
Kaya naman panawagan ng UNHRC sa international community na tumulong na sa pagtutulak ng totoong ceasefire upang matuldukan na rin ang paghihirap ng mga inosenteng Palestino.