Eksakto, 07:53am o 12:53pm oras sa Pilipinas, lumapag da Kazan, Russia ang PR001 o ang eroplanong naghatid kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pangunguna ng Pilipinas sa ASEAN-Russia Commemorative Summit, lalo’t ang bansa ang nagsisilbing chairman ng ASEAN Summit ngayong 2026.
Kung matatandaan 11:55pm kagabi, June 16, nang mag-take off sa Villamor Airbase ang PR 001.
Habang wala ang Pangulo sa bansa, itinalaga bilang caretaker ng pamahalaan, sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secreatry Conrado Estrella III, at Labor and Employment Secretary Francis Tolentino.
Isa sa mga inaasahang aktibidad ng Pangulo sa Russia ngayong araw ay ang Bilateral Meeting, kung saan magiging bahagi ng meeting ang kooperasyon sa pagitan ng Pilpinas at Russia sa larangan ng turismo, edukasyon, kultura, science and technology, at people-to-people exchanges.