Posibleng humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Biyernes si resigned Ateneo Blue Eagles Head Coach Tab Baldwin kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, inaasahang dadalo si Baldwin upang magbigay ng kanyang pahayag bilang bahagi ng masusing pagsisiyasat sa insidente.
Samantala, sinabi ni Matibag na kuntento ang NBI sa pakikipagtulungan ng Ateneo team sa kanilang imbestigasyon.
Ayon sa opisyal, unti-unti nang humaharap sa ahensya ang mga inimbitahang indibidwal upang magbigay ng kanilang mga salaysay at makatulong sa paglilinaw ng kaso. | ulat ni Aj Ignacio