Magandang indukasyon para sa ating mga motorista dahil inaasahan ang malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pinakahuling trading sa World market.
Posibleng bumaba ng nasa 8 pesos ang kada litro ng diesel habang inaasahan baba rin ng nasa 5 pesos and 20 centavos sa gasolina at 9 pesos and 20 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Isa sa mga naging dahilan ng magandang trading ay ang napipintong peace deal sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Inaasahan magkakaroon pa ng adjustment sa mga susunod na araw at pagnaselyuhan pa ang nasabing kasunduan ng dalawang bansa.
Batay sa unang araw ng kalakalan, posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo: ₱8.00 sa diesel, ₱5.20 sa gasolina, at ₱9.20 sa kerosene kada litro. | ulat ni Aj Ignacio