Tinatarget ng Department of Energy na maibalik sa operasyon sa Mindanao Grid ang SMC Malta Coal Plant sa Sarangani Province bago sumapit ang June 20 o sa darating na sabado.
Ito’y dahil sa naging pagtama ng malakas na lindol sa nasabing probinsya.
Ayon sa DOE na patuloy ang pagtulong ng kagawaran sa nasabing power plant upang mas mapabilis ang pagkukumpuni ng power plant sa planta.
Ang naturang coal plant ang nagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Southern Mindanao. | via Aj Ignacio