Nakipagpulong si Trade Secretary Cristina Roque sa Asean BAC Philippines para pag usapan ang ilang mga hakbang para sa pagpapalakas ng program initiative sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Isa sa napag-usapan sa nasabing pagpupulong ay kung papaano mas mapapakinabangan ng mga micro small and medium enterprises ang mga makabagong technology gaya ng artificial intelligence sa kanilang pagnenegosyo sa bansa.
Isa rin sa napagusapan sa nasabing pagpupulong ay ang magiging mekanismo at programang ilulunsad upang mas maging equipped ang mga ito sa hinaharap. | ulat ni Aj Ignacio