Nagbanta si Senador Kiko Pangilinan na magsasampa ng kaso laban sa mga taong nag-uugnay sa kanya at sa kanyang pamilya sa anomalya sa flood control projects, kasunod ng isang press conference na pinangunahan ni dating congressman Mike Defensor.
Isa kasi si Pangilinan sa mga pinangalanan ng 18 ex-bodyguard at ex bagmen ni dating Congressman Zaldy Co na nakatanggap umano ng matela ng kickback.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangilinan na pawang mga paratang, insinuations at palabas lamang ang mga ibinabato laban sa kanya.
Ayon sa senador, layunin aniya ng mga alegasyon na sirain ang kanyang reputasyon kaugnay ng napaulat na posibilidad ng kanyang pagkakahirang bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na magsisiyasat sa flood-control scam.
Iginiit din ni Pangilinan na walang anumang batayan ang mga paratang laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Dahil nadamay aniya ang kanyang pamilya sa mga alegasyon, sinabi ni Pangilinan na haharapin ng mga sangkot ang legal na aksyon at pananagutin ang mga paninirang-puring ginawa nila. | ulat ni Nimfa Asuncion