Walang hindi magandang feedback kung pag-uusapan ay buhay ng mga Pinoy sa Germany.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng matanong ukol sa skilled labor migration sa hanay ng mga Pinoy na nasa Germany.
Ayon sa Pangulo, maganda ang oportunidad ng mga kababayan natin sa Germany na ang ilan nga ay gumawa na ng hakbang at magpasiyang lumipat na doon.
Mayroon aniyang oportunidad sa Germany, matatag at maayos ang lipunan na ayon sa Pangulo ay magandang lugar para mamuhay at bumuo pa nga ng pamilya.
Kung may mga naiuulat aniyang mga Pinoy na nakararanas ng hirap sa ibang bansa, hindi aniya ganito ang kaso ng mga Pilipino sa Germany.