Binigyang-diin ni Executive Secretary Ralph Recto na ginagawa ng gobyerno ang lahat para ma-fasttrack ang pagpapalabas ng emergency aid at pondo para sa recovery ng mga naaapektuhan ng malakas na pagyanig sa Mindanao.
Ayon kay Recto, kumikilos ang buong makinarya ng pamahalaan sa harap ng pagsisikap na matulungan agad ang mga pamilyang apektado ng pagyanig.
Malinaw, ani Recto, ang direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ito ay ang agad na maipagkaloob sa mga apektadong residente ang paglalabas ng karagdagang suporta at matulungan silang makabangon sa lalong madaling panahon.
Prayoridad aniya ng Pangulo hindi lamang makapagbigay ng mabilisang assistance, kundi pati na ang maibalik ang mahahalagang serbisyo at maayos ang imprastraktura gayundin ang recovery ng mga komunidad.
Kaugnay nito ay may naihain nang resolusyon ang Senado na nananawagan para sa kakailanganing sapat na pondo at resources para sa earthquake hit communities na ayon kay Recto ay welcome na hakbang sa Palasyo.