Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang halaga ng bilateral na ugnayan ng Pilipinas at Germany.
Ayon kay Pangulong Marcos, tampok dito ang kahalagahan ng patuloy na kooperasyon sa mahahalagang larangan na sumusuporta sa pambansang kaunlaran at kapwa pag-unlad.
Sinabi ni Pangulong Marcos na sa mahigit pitong dekada ng bilateral relations ng Pilipinas at ng Germany ay naging napakahalagang katuwang ng Pilipinas ang Germany sa iba’t ibang aspeto ng kooperasyon na may epekto sa progreso ng bansa.
Sa pagbisita ni German President Frank-Walter Steinmeier sa Palasyo ay ipinagmalaki ng Punong Ehekutibo ang aniya’y Filipino hospitality na aniya’y bahagi ng mayaman at makulay na kultura ng Pilipinas.
Dagdag ng Pangulo na ang pagbisita ng lider ng Germany ay isang patunay sa matibay na commitment nito para mapanatili ang high momentum level exchanges sa pagitan ng Pilipinas at Germany.