Ibinahagi ni Senador Ping Lacson na kinokonsidera ng mga senador mula sa majority bloc na ihalal si Senador Chiz Escudero bilang presiding officer ng Senate impeachment court.
Ayon kay Lacson, base sa kanilang consensus hanggang nitong Miyerkules ng umaga ay pinag-iisipan nilang ibigay kay Escudero ang papel bilang presiding officer oras na mag-convene muli ang impeachment court sa July 6.
Nangangahulugan ito na si Senador Chiz na ang mamumuno sa paglilitis ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Lacson na galing mismo kay Senate President Sherwin Gatchalian ang suhestiyon na gawing impeachment court presiding officer si Escudero.
Nang matanong kung bakit si Senador Chiz ang napili nila, sinabi ni Lacson na bugado (seasoned) kasi ito at may karanasan at kaalaman sa proseso ng paglilitis.
Nilinaw rin ni Lacson na hindi ito kasama sa negosasyon nang lumipat sa mayorya si Escudero kundi sarili nilang desisyon.