Kamakailan ay pinirmahan ng Pilipinas at Canada ang isang Mutual Logistics Support Arrangement (MLSA), na nagpapalakas pa sa security cooperation ng dalawang bansa.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson Capt. Marissa Arlene Martinez na sa ilalim ng MLSA na ito ay magtutulungan ang Pilipinas at Canada pagdating sa logistics.
Ayon kay Capt. Martinez, ang MLSA ay isang bilateral agreement na pinaiiral ang tinatawag na “principle of reciprocity” sa pamamagitan ng “equal values exchange” — depende pa sa pangangailan ng dalawang bansa.
Inihalimbawa na lamang ni Capt. Martinez ang mga operasyon, pagsasanay, o real-world scenarios, kung saan kasama na rin ang disaster response.
Aniya pa, ipinalalakas ng pinirmahang MLSA ang kakayahan ng Sandatahang Lakas pagdating sa logistical readiness at interoperability sa ating mga kaalyadong bansa.