May nakikitang market si Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen mula sa mga Ruso para mas madaling makabisita ang mga ito sa Pilipinas at mapalakas ang turismo ng bansa sa hanay ng Russian tourists.
Ayon kay Ambassador Bailen, sadyang interesado ang mga Russian na makapunta sa Pilipinas at nagnanais na makarating ng Boracay at Palawan.
Dangan lang at may hinihintay lang aniya silang development mula sa Civil Aeronautics Board of the Philippines at ito ay may kinalaman para sa pagkakaroon na ng direct flight mula sa tatlong lugar sa Syberia to Manila and Cebu.
Mayroon ng aplikasyon ani Bailen ang S7 Syberian airlines at inaasahan nilang matutuloy ang mga iniaplay na flights para mas marami pang turistang Ruso ang makapunta sa Pilipinas.
Sa ngayon ayon kay Bailen ay may direct flights naman mula Irkutsk at Khabarovsk, Siberia patungong Kalibo, Aklan subalit ito’y chartered lamang.