Nagkaharap sa pagpupulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin.
Sa nasabing pagpupulong ay natalakay ang pagsusulong ng mas malawak na kooperasyon sa kalakalan, enerhiya, ganundin ang seguridad sa pagkain.
Sa opening statement ni Pangulong Marcos ay binigyang-diin nito na mahalagang magkaroon ng regular na konsultasyong pampolitika sa pagitan ng foreign ministries ng Pilipinas at Russia.
Ayon sa Pangulo, magbibigay ito ng mahahalagang oportunidad para madetermina at magkaroon pa ng mas maraming kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Kabilang na dito ang tungkol sa trade habang iginiit din ni Pangulong Marcos na marami pang maaaring gawing deal ang Pilipinas at Russia na posibleng mabuksan sa iba’t ibang larangan.
Sa pulong ay personal ding ipinaabot ng Pangulo ang imbitasyon nito kay President Putin para daluhan ang 21st East Asia Summit na nakatakdang gawin sa Manila sa darating na Nobyembre.
Dito ay nabigyang-diin ng Chief Executive na ang East Asia Summit ay mahalagang bahagi tungo sa magkatuwang na layunin na magkaroon ng isang matatag, ligtas, at maunlad na rehiyon.

