Ikinalugod ng House Prosecution Panel ang naging “maayos at organisadong” takbo ng pre-trial conference ngayong araw, June 18, para sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang naging takbo ng pulong ay patunay lamang na umuusad ang proseso ayon sa itinakdang mga patakaran at alinsunod sa konstitusyon.
Aniya, naging produktibo ang diskusyon kung saan kapwa lumahok ang mga public at private prosecutors ng Kamara.
Ayon naman kay trial spox At Kabataan partylist Rep. Renee Co. sayang at hindi dumalo si VP Sara Duterte para harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Samantala inaatasan naman ng Impeachment Court ang magkabilang panig na isumite ang kanilang kani-kanilang komento hinggil sa stipulation process sa darating na Hunyo 22 at itinakda naman sa JUne 25 ang pormal na resolusyon. | ulat ni Melany Reyes