Itinuturing nang normal ang sitwasyon ngayon sa Bahrain ilang linggo matapos ang missile at drone attacks galing Iran noong Hunyo 3 at Hunyo 6, 2026.
Sa programang “Babangon Sa Makabayang Serbisyo Publiko”, ibinahagi ni Philippine Ambassador to the Kingdom of Bahrain Gines Jaime Ricardo Gallaga na bagamat “isolated” ang mga naturang pag-atake at agad naman na-intercept ang mga ito.
Ani Ambassador Gallaga, humupa na rin naman ang nararamdamang tensyon sa Bahrain magmula noong Abril, kung kailan nakita nang nagbukas na ang airspace at mga pamilihan.
Dagdag ng Embassy official, dumami rin ang mga tumatawid mula sa Saudi Arabia kapag weekend.
Samantala, inilahad ni Ambassador Gallaga na tuluy-tuloy pa rin ang repatriation efforts para sa mga overseas Filipino worker (OFWs) nais nang makauwi sa Pilipinas.
Aniya, wala pa ring pagbabago sa direktiba ng Department of Migrant Workers (DMW) kaya naman patuloy na tumatanggap ang Migrant Workers Office (MWO) at opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Bahrain ng mga request para sa repatriation.
Batay sa pinakahuling datos, nasa 976 Pilipino na ang napauwi mula sa Bahrain simula pa noong mag-umpisa ang US-Iran war nitong nakaraang Pebrero.