Muling nagtalaga ng basaan zone ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan para sa Wattah Wattah Festival na gagawin sa kanilang taunang pista sa June 24.
Ito ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora ay para matiyak ang kaayusan at hindi na pagmulan ng kaguluhan.
Sa isinagawang Pulong Balitaan kaninang umaga, papayagan lang ang basaan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa Basaan zone sa kahabaan ng Pinaglaban Street sa pagitan ng N. Domingo at P. Guevarra St.
Naging epektibo ang pagpapatupad nila ng basaan zone sa ilalim ng City Ordinance no. 14 series of 2025 noong nakaraang taon, kaya uulitin nila ito ngayong taon.
Kasama sa mga ipinagbabawal sa Wattah Wattah 2026 ang:
Paggamit ng Maduming tubig
Pagbubukas ng mga sasakyan
Pananakit o pananakot
Pagsampa, pagyanig at pag uga ng mga sasakyan
Pagpasok sa mga sasakyan
Pambabasa sa hindi sa basaan zone
Hindi pwede ang paggamit ng hindi awtorisadong firetruck
Paggamit ng highly pressurized water sprayer
Magpapatupad din ng Liquor ban o pagbabawal ng pagbili at pagbenta ng alak mula 12:01 am hanggang 2pm ng June 24.
Papatawan ng ₱5,000 multa at 10 araw na pagkakulong ang lalabag sa orindinansa.
Samantala, kapag menor de edad naman ang violator ay i-turn-over sa City Social Welfare and Development Office.