Ikakasa na ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang simulation exercises sa iba’t-ibang presinto sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bilang paghahanda sa nalalapit na Parliamentary Elections.
Sa panayam ng programang BOSES kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mahalagang parte ng paghahanda para sa nalalapit na BARMM Elections ang pagkasa ng simulation exercises upang matiyak na maayos at gumagana ang mga gagamiting Vote Counting Machines at iba pang aparatos para sa botohan.
Isa itong epektibong paraan upang matiyak na magiging maayos ang halalan at maiwasan ang ano mang uri ng aberya.