Higit isang linggo nang nagpapatuloy ang mga serye ng pagyanig sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na naitala sa Offshore Sarangani noong June 8.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, umabot na sa 8,381 ang mga aftershocks, kung saan higit 2,000 ang plotted at 90 ang naramdaman ng mga residente.
Ang mga ito ay may lakas na nasa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 6.5
Una na ring nagsagawa ang PHIVOLCS Quick Response Team (QRT) ng post-earthquake assessment kung saan sinuri ang aftershocks, geologic hazards, at validation ng earthquake intensity reports sa mga apektadong lugar.