Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kayang pamunuan ni Senador Francis Escudero ang Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte kung siya ang magiging Presiding Officer ng Senado bilang Impeachment Court.
Pahayag ito ng Pangulo nang tanungin tungkol sa mga kritisismo laban kay Escudero kaugnay ng posibleng paghawak nito sa paglilitis.
Ayon kay Pangulong Marcos, opinyon lamang ang mga batikos at hindi ito dapat maging batayan sa kakayahan ni Escudero na pangunahan ang proseso.
Binigyang-diin ng Pangulo na mismong si Escudero ang bumalangkas ng mga panuntunang ginagamit ng Senado sa nakaraang Impeachment proceedings.
“I will definitely – I will definitely do whatever I can to work together with the Legislature, with the Senate in particular, to make sure that things go smoothly. And that we move away from the chaos that we have been seeing in the Senate. And I hope that the new reorganization will achieve that,” tugon ng Pangulong Marcos.
Dagdag pa niya, hindi rin umano maikakabit kay Escudero ang pagkakahinto ng nakaraang Impeachment Trial dahil bunga ito ng naging desisyon ng Korte Suprema at hindi ng anomang pagkukulang ng senador.
“I will support whoever the Senate chooses. As long as the process that they undertook in making the choice is proper, is legal, is constitutional, then that’s fine with me,” pahayag ni Pangulong Marcos.