Welcome ni House Committee on Higher and Technical Education Chairperson at TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre ang pagratipika ng Senado ng Bicameral Conference Committee Report sa pag-amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).
Ayon kay Acidre, na siya ring principal author at sponsor ng panukala sa Kamara, ang mga pagbabago sa Republic Act No. 10931 o ang Free Higher Education Law ay magsisiguro na ang pondo at tulong ng gobyerno ay direktang mapupunta sa mga estudyanteng pinakanangangailangan.
Sa ilalim ng bagong bersyon ng batas, palalawakin ang Tertiary Education Subsidy (TES) at babaguhin ang sistema upang maging mas targeted o eksakto ang pagpili sa mga benepisyaryo.
Top priority ang mga anak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.
Target din ng panukala na magtatag ng Private Education Assistance program na magbibigay-daan sa gobyerno na tulungan ang mga disadvantaged students na naka-enrol sa priority programs ng CHED.