Isinailalim na ni Bolivian President Rodrigo Paz sa State of Exception o State of Emergency ang Bolivia dahil sa lumalalang krisis sa transportasyon.
Ito ay matapos ang limampung araw na malawakang road blockade o pagharang sa mga pangunahing kalsada ng bansa.
Ayon sa ulat ng Ombudsman’s office ng Bolivia, paralisado na ang ekonomiya ng bansa.
Nagdulot na rin ito ng matinding kakulangan sa pagkain, krudo, at mga suplay na medikal.
Umabot na sa labing-apat na katao ang napaulat na nasawi sa pagitan ng Mayo a-uno at Hunyo a-kinse dahil sa kaguluhan.
Sa opisyal na pahayag ni Bolivian President Paz, binigyang-diin niya ang agarang pagbubukas sa mga kalsada upang mapalaya ang bansa sa matinding krisis.
(Pic:Britannica)