Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng bagyong Francisco sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa DA, bagamat mababa ang tsansa na mag-landfall ang bagyo, maaaring aabot pa rin sa halos 67,000 ektarya ng standing crops ang maapektuhan ng bagyo.
Kabilang dito ang nasa 53,000 ektarya ng palay at higit 13,000 ektarya ng maisan.
Sa kabila naman nito, inaasahan din ng DA na makatutulong ang pag-ulang dala ng bagyo lalo na sa mga lugar na nakararanas ng tagtuyot.
Una na ring nag-abiso ang DA sa mga magsasaka na anihin ng maaga ang mga pananim, linisin ang mga irrigation canal para maiwasan ang pagbaha at regular na subaybayan ang mga ulat ng panahon.

