Nagpaabot ng pasasalamat si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro sa foreign counterparts sa Russia dahil sa mabilis na pagpoproseso sa pagpapauwi ng nasa 24 na Pilipinong nakadetine sa kanilang bansa.
Kung saan ito ang naging unang agreement ni Russian President Vladimir Putin at ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN Commemorative Summit sa Russia.
Aniya, naging mabilis ang papgpapauwi ng ating mga kababayan sa tulong na rin ng ating mahal na Pangulong Marcos dahil sa naging mabunga ang pakikipag-usap nito kay President Putin.
Dagdag pa ni Sec. Lazaro na napakabilis ng naging pagtugon ng kanilang foreign countercparts at napa-uwi na agad ang unang batch nitong Biyernes at ang ikalawa naman ay nitong Linggo ng umaga.
Umaasa naman si Lazaro na mas mapapabuti pa ng Pilipinas at Russia ang ugnayan nito sa hinaharap.