Naghahanda ang Department of Energy sa umanoy “worst case scenario” kasunod ng paganunsyo ng Iran na sarado muli Strait of Hormuz na dinadaanan ng langis na inaangkat ng Pilipinas mula sa Middle East.
Sa isang press conference sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na hindi nila tuluyang matukoy kung tataas ba muli ang presyo ng langis matapos nga ianunsyo ng Iran na sarado muli ang naturang strait pero sa ngayon hindi sila magrerelax kahit pa pababa ang presyo sa global market.
Kundi patuloy silang nakabantay at naghahanda na tiyaking may sapat na suplay ang bansa ng mga produktong petrolyo.
Pero sa ngayon siniguro naman ng DOE may sapat pang suplay ng langis na aabot sa 43.86 days on average.
Kasama na rito ang 43.75 days para sa gasolina, 40.42 days para sa diesel at 128 days para naman sa kerosene. | ulat ni Louisa Erispe