Inaasahang mas lalakas pa ang pagtutulungan ng Pilipinas at Colombia sa research, edukasyon, upskilling ng mga manggagawa at turismo.
Ito ay dahil sa pinirmahang Memorandum of Understanding ng dalawang bansa sa Ministry of Commerce, Industry and Tourism ng Republic of Colombia, Bogota noong June 18
Ang kasunduan ay sumesentro sa tourism cooperation at pagpapalakas ng people-to-people ties ng Pilipinas at Colombia.
Dahil dito inaasahang mas marami pang kaalaman at programa na pagtutuwangan ng dalawang bansa na makakatulong sa mga Pilipino na nakatira at nais pumunta sa Colombia.
Sumasalamin din ang kasunduan sa walumpung taong matibay na diplomatic relations o pagsasamahan ng dalawang bansa.
Ang pumirma naman ng kasunduan ay si Philippine Ambassador Adrian Bernie Candolada at Minister of MINCIT Diana Marcela Morales Rojas