Muling nananawagan ang Commission on Elections o COMELEC sa mga kwalipikadong botante na magparehistro bilang paghahanda sa 2028 National and Local Elections.
Ayon sa COMELEC, magbubukas muli ang voter registration sa Martes, November 10, at magtatagal hanggang July 30, 2027.
Maaaring magparehistro sa mga tanggapan ng Election Officer sa kanilang lugar, satellite at mall registration sites, gayundin sa ilalim ng Register Anywhere Program at Special Registration Anywhere Program.
Tumatanggap ang COMELEC ng aplikasyon para sa mga first-time voter, paglilipat at muling pagpapagana ng rehistro, pagwawasto ng pangalan at iba pang personal na detalye, gayundin ang pagsasama o pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante.
Saklaw din ng registration ang paglilipat ng rehistro mula sa Philippine Foreign Service posts patungo sa lokal na listahan, at pag-update ng records ng senior citizens, persons with disabilities, Indigenous Peoples at iba pang sektor.
Isasagawa ang voter registration mula Martes hanggang Sabado, habang walang tatanggapin tuwing Linggo, holidays at Lunes dahil sa work-from-home arrangement kaugnay ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency.