Umabot sa 12,775 indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal at welfare services ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa nitong Undas 2026.
Batay sa ulat ng PRC, nasa 12,180 sa mga ito ang sumailalim sa vital signs monitoring, 548 ang nalapatan ng lunas para sa minor medical cases, 32 ang tinugunan dahil sa major medical emergencies, at 15 naman ang dinala sa mga ospital para sa karagdagang gamutan.
Bukod dito, nagpakalat ang PRC ng mahigit 2,300 staff at volunteer sa mga sementeryo, pangunahing kalsada, at terminal, naglagay din ng mga first aid station, welfare desk, at ambulansya.
Pinuri naman ni PRC Chairpersonn Richard Gordon ang mga staff at volunteer na nagsakripisyo ng oras para tumulong sa publiko.
Bahagi ito ng pagsisikap ng PRC na maging handa at agad makatugon sa mga nangangailangan ng tulong.