Handang suportahan ng Department of Energy ang mga lokal na pamahalaan sa Visayas lalo na sa Cebu kung magdedeklara ito ng Energy Emergency dahil sa tuloy tuloy na paglalagay sa red at yellow alert ng Visayas Grid.
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin kung tingin ng LGU makakatulong ito para sa kanilang mga nasaakupan ay suportado nila ito lalo na at apektado ang pang-araw araw na buhay ng mga konsumer kapag nawawalan ng kuryente.
Pero kumikilos na rin naman aniya ang DOE sa ngayon para mabawasan ang patuloy na paglalagay sa red at yellow alert ng Visayas Grid. Katunayan binigyan umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang buwan ang DOE para ayusin ito.
Nakikipagugnayan naman na ang departamento sa National Grid Corporation, National Electirification Administration at sa mga Electric Cooperatives para tutukan ang mga linya ng kuryente sa Visayas. | ulat ni Louisa Erispe