Tiniyak ni House Committee on Public Order and Safety Chair at Manila Rep. Rolando Valeriano na handa at komited ang Kamara de Representantes na magpasa ng mga hakbang upang masugpo ang talamak na smuggling ng tabako.
Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa harap ng mga, regulators, at mga kasapi ng ASEAN na dumalo sa third International Tobacco Summit.
Ayon sa mambabatas, tuwing nakakalusot sa mga pantalan ang mga kontrabando, mas pinalalakas nito ang pondo at kapangyarihan ng mga sindikato para isagawa ang iba pa nilang iligal na operasyon.
Bagamat pinuri ng Kamara ang sunod-sunod at matagumpay na raid ng Bureau of Customs, BIR, at PNP, importante anya na may makasuhan at managot sa ilegal na aktibidad.
Bilang tugon, sinabi ni Valeriano na handa ang kamara na iangat ang kahandaan ng bansa sa pamamagitan ng pagrepaso sa mga umiiral na batas.