Nananatili ang heightened security status sa Senado, isang linggo matapos pormal na mahalal si Senate President Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms retired Police Major General Alfred Corpus, mananatili ang mahigpit na seguridad sa senado hanggang magsimula ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa July 6.
Sinabi ni Corpus na posibleng dagdagan lang nila ang visibility ng mga law enforcers, Senate Sergeant-at-Arms, at allied forces sa senado kapag ganap nang nagsimula ang paglilitis.
Ito aniya ang napag-usapan na nila ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Sa ngayon ay wala naman aniyang natatanggap na banta ang OSAA tungkol sa impeachment trial ni VP Sara.
Nakadepende pa aniya sa sitwasyon kung ibababa nila ang security status sa senado.
Tuloy-tuloy pa rin aniya ang verification sa naunang security threat sa senado. | ulat ni Nimfa Asuncion