Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.
Ito ay kaugnay ng nangyaring pamamaril sa sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong menor de edad at ikinasugat ng pitong iba pa.
Ayon sa PNP, agad na rumesponde ang mga pulis sa insidente kung saan inaresto ang dalawang menor de edad na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Narekober na rin ang dalawang baril na umano’y ginamit sa pamamaril.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang buong pangyayari sa insidente, kabilang ang ulat na may kaugnayan ito sa bullying.
Pinaigting din nito ang police visibility sa loob at paligid ng mga paaralan kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga school authorities, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders. | ulat ni Diane Lear